About 143 Volunteer
Ano ang Red Cross 143?
Ang Red Cross 143 ay programa ng Philippine Red Cross na nagtuturo sa mga mamamayan na kumalinga sa kanilang komunidad. Ito ay nagbibigay-kapangyarihan sa bawat barangay na maging handa sa pagtugon sa anumang uri ng sakuna.
Ang 143 ay naglalayong magkaroon ng 44 volunteers sa isang barangay, isang pinuno at 43 kasapi na syang magsisilbing mata, tenga, kamay at paa ng Red Cross sa bawat komunidad.
Ang mga 143 volunteer ay pinagbuklod at hinasa sa tatlong aspeto -- (disaster preparedness and response, health and welfare at voluntary blood donation.)
Ang Red Cross 143 ay may layunin na bumuo ng network ng volunteer na magbibigay ng mahahalagang impormasyon at maaring pakilusin para sa mabilisang pagtugon sa alinmang kalamidad o sakuna.
Tungkulin ng 143 Volunteers
a. PREDICT (Alamin) – alamin ang mga posibleng banta sa iyong komunidad (hal. baha, bagyo, lindol, pagputok ng bulkan, sunog, landslide o armadong labanan).
b. PLAN (Magplano) - planuhin ang mga dapat gawin sa oras ng sakuna.
c. PREPARE (Maghanda) - ihanda ang komunidad sa mga bagay na kakailanganin (hal. pagkain, tubig, gamot na di-kinakailangan ng reseta, first aid kit, survival kit, mga damit at kagamitang pantulog, at mga gamit pangkalinisan).
d. PRACTICE (Magsanay) – magsagawa ng pagsasanay sa komunidad (hal. paunang lunas at emergency evacuation drill).
e. REPORT (I-report) - mangalap at ipagbigay-alam sa Red Cross ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa emergency or disaster.
f. RESPONSE (Tumugon) – tumugon sa mga posibleng pangangailangan (hal. First Aid, health and hygiene promotion, voluntary blood donation, psychological support, tracing at relief operation).
by S####:
Kaso sa school lang kami mag reredcross gagamotan ko